Dela Rosa: “Kahit taasan ang sahod, kung masasangkot sa katiwalian nasa katauhan na ng pulis ang problema hindi sa organisasyon”

Imahe mula sa Ronald "Bato" Dela Rosa Supporters Facebook page

Naniniwala si PNP Chief Ronald Dela Rosa na  nasa pagkatao ng isang pulis ang patuloy na paggawa ng katiwalian kahit pa itinaas ang suweldo ng kanilang hanay ngayong taon.

Ayon sa ulat ng RMN, sinabi ni incoming Bureau of Correctional Chief na kahit pa sumuweldo ng milyon-milyon ang isang pulis at patuloy na masasangkot sa katiwalian ay may problema na ito sa pagkatao.

Ani Dela Rosa, bilang tugon dito ay agad sibakin sa serbisyo ang mga pulis  na mapatutunayang nasangkot sa katiwalian.

Wika pa niya, walang puwang sa kanilang hanay at dapat mahiya ang mga tiwaling pulis.

Nitong Enero 16 ng madaling araw,  anim na kotong cops ang naaresto ng PNP Counter Intelligence Task Force o CITF sa Nueva Ecija makaraang  maaktuhang nangongotong sa inilatag na checkpoint sa bayan ng Carranglan.

Kamakailan lamang ay nahuli sa akto ang isang pulis na bumabatak ng shabu sa Caloocan City.

Loading...