DOTr: Walang taas-pasahe sa MRT hangga’t hindi ramdam ang improvements

screenshot mula sa Facebook account ng GMA News

“Serbisyo muna bago ang pagtaas ng pasahe!”

Tiniyak ng Department of Transportation (DOTr) na hindi tataas ang pasahe sa Metro Rail Transit (MRT) hangga’t hindi umano nararamdaman ng publiko ang improvements nito.

Ani DOTr Undersecretary TJ Batan, hanggang hindi umano nararamdan ng mga pasahero ang mas maayos na serbisyo ng MRT, partikular sa availability, convenience at reliability nito ay walang pagtaas ng pasahe, ayon sa ulat ng Radyo Inquirer.

Sa inisyal na ulat ng Pilipino Star Ngayon, sinabi ni Batan na bago nila planuhin ang pagtaas ng pasahe ay aayusin muna nila ang serbisyo sa MRT, pagagandahin ang pasilidad kasama na ang riles at tren ng MRT-3.

Dumating naman ang 48 bagong bagon ng MRT na mula sa isang company sa China.

Ngunit ang mga naturang bagon ay hindi muna gagamitin dahil isasailalim muna sa audit assessment ang mga ito upang malaman ng DOTR kung tatanggapin nila ang mga ito o hindi.

Kaugnay nito, sinabi ni Batan na may independent safety auditor na ang DOTr.

Loading...