Drilon itinangging nakakuha ng P5-M campaign fund mula umano kay Napoles

Public domain

Itinanggi ni Senate Minority Floor leader Franklin Drilon ang isiniwalat ng mamamahayag na si Erwin Tulfo na tumanggap umano siya  ng limang  milyong pisong  campaign fund noong 2010 elections mula sa diumano’y pork barrel fund scam queen Janette Napoles.

Ayon sa ulat ng Inquirer, tumanggi si Drilon na kilalanin ang mga inihayag ni Napoles laban sa kaniya.

“We deny having received any campaign contribution from Napoles,” ayon kay Drilon.

Sinabi naman ni Senate President  Koko Pimentel na wala siyang personal na nalalaman sa mga akusasyon laban kay Drilon maliban pa sa hindi agad siya naniniwala sa mga paratang lamang.

Naniniwala ang Malacañang na iimbestigahan ng Department of Justice (DOJ) ang mga paratang laban kay Drilon.

Ang naturang halaga ay hindi  umano  kasama sa isinumite ng Senador sa Commission on Elections na Statement of Contribution and Expenditures na kailangang kompletuhin ng mga kandidato sa eleksiyon.

Loading...