Duterte mainit na tinanggap ang mga sumukong NPA sa Davao City

Image from KDN Files

Mainit na tinanggap ni Pangulong Rodrigo Duterte ang dalawang dating miyembro ng  New People’s Army (NPA) na sumuko sa Davao City.

Ayon sa ulat ng GMA, nangako umano si Duterte poproteksyunan ng pamahalaan ang dalawang sumukong NPA.

Bibigyan din ng kaukulang tulong ang mga sumuko tulad ng pabahay, tulong pinansiyal, food packs at smartphones.

Wika pa ni Duterte, hangad niya ang kapayapaan at ang pambansang seguridad ang kanyang prayoridad sa Pilipinas.

Nauna nang umapela si Duterte sa mga NPA na sumuko na sa mga awtoridad.

Matatandaan noong Disyembre ay opisyal nang kinilala bilang terorista ang grupo ng Communist Party of the Philippines – New People’s Army (CPP-NPA) makaraang lagdaan ni Duterte ang proclamation at memorandum na nagsasabing  sila’y mga terorista na.

Ang proclamation at memorandum ay ibinase ni Duterte sa R.A 10168 o Terrorism Financing Prevention and Suppression Act of 2012 o Human Security Act.

Panoorin ang ulat na ito ng 24 Oras para sa iba pang detalye:

 

Fact-checked against the following source(s) :

24 Oras, GMA, Balita DF

Loading...