Ellen at John Lloyd, naghahanda na nga ba sa kanilang kasal?

Image via Instagram account of maria.elena.adarna

Malapit na nga bang ikasal sina Ellen Adarna at John Lloyd Cruz?

Matapos ang naging kumpirmasyon ni Ellen sa kanyang Instagram post na sila na ni John Lloyd ay naghahanda na raw ang dalawa sa kanilang kasal.

Ito ay ayon naman sa Instagram post ni Lolit Solis, talent manager at batikang entertainment columnist, nitong Enero 5, 2018.

Paglalahad ni Lolit: “May taga-Cebu na nagsabi sa akin nag-contact na raw [ng] caterer at florist para sa kasal ni John Lloyd Cruz at Ellen Adarna sa isang beach resort sa Cebu at mangyayari raw ito last week or either early February.”

May taga Cebu na nagsabi sa akin nag-contact na daw caterer at florist para sa kasal ni John Lloyd Cuz at Ellen Adarna sa isang beach resort sa Cebu at mangyayari daw ito last week or either early February , kaya pala dun na sa Cebu kapiling pamilya ni Ellen nag christmas at New Year si John Lloyd. Among major sponsor daw Dr. Cuanang ng St Luke’s at dating secretary na si Bert Romulo , tatay ni Roman at Mons. Bongga , sarap isipin na sa kasalan hahantong ang relasyong John Lloyd at Ellen . So happy na talagang gagawin nila legal ang kanilang love , bongga talaga Salve A. dahil di ba kahit ano pa sabihin nila , na parang walang paki sa paligid niya si Ellen naniniwala pala siya sa kasal. Nasa edad na si Lloydie at siguro nga ito na ang tamang panahon para sa kanya , hayy happy love news for us especially di mo aakalain na dito hahantong ang relasyon ng dalawa, best wishes and we wish you well talaga. #instatalk #lolitkulit #70naako #jolit #pilipinostarngayon #pangmasa #instascoop

A post shared by LolitSolisOfficial (@akosilolitsolis) on

Pagpapatuloy ni Lolit: “Kaya pala ‘dun na sa Cebu kapiling [ang] pamilya ni Ellen nag-christmas at [nag-]New Year si John Lloyd.”

Ayon pa sa batikang columnist: “Among major sponsors daw [ay sina] Dr. [Joven] Cuanang ng St. Luke’s at dating secretary na si [Alberto] Bert Romulo, tatay ni Roman at Mons.”

Sa inisyal na ulat ng PEP, pinamunuan na noon ni Dr. Joven ang St. Luke’s Medical Center at siyang may-ari ng Boston Art Gallery at Pinto Art Museum.

Samantala, malapit na kaibigan umano ni John Lloyd si Romulo, dating DFA secretary, noong panunungkulan ni dating pangulo Benigno Aquino III.

Kasunod ng rebelasyon ni Lolit ay nagpahayag din ito ng pagkatuwa sa relasyon ng celebrity couple.

Aniya: “Bongga, sarap isipin na sa kasalan hahantong ang relasyong John Lloyd at Ellen. So happy na talagang gagawin nilang legal ang kanilang love.”

Wika pa niya: “Nasa edad na si Lloydie at siguro nga ito na ang tamang panahon para sa kanya.”

Samantala, nanatili pa rin na tikom ang bibig nina Ellen at John Lloyd sa usaping pagbubuntis ng nasabing aktres.

May mga nagsasabi na ang endorsements ni Ellen ang dahilan kung kaya’t hindi nito maaaring ilantad ang pagbubuntis niya, ayon sa ulat ng Abante Tonite.

Loading...