“Hairiest girl in the world” nag-ahit ng buhok sa mukha sa ngalan ng pag-ibig

Image from Natty's Facebook account

May napakapambihirang congenital skin disease  na kung tawagin ay Ambras Syndrome si Supatra Sasuphan o “Natty”; isang 17-anyos na babae sa Bangkok, Thailand.

Ang Ambras Syndrome na tinatawag ring Werewolf Syndrome ay nagdudulot ng sobrang pagtubo ng mga buhok sa buong katawan ng mayroon nito.

Dahil sa kanyang kakaibang kondisyon ay madalas maging biktima si Natty ng pambu-bully subalit napagtagumpayan naman niya ang mga iyon dahil sa kanyang positibong pananaw sa buhay.

Noong 2010 ay ginawaran siya ng Guinness World Records ng titulong “Hairiest Girl in the World.” Labing-isang taong gulang siya noon.

Ani Natty, kaunti lang naman ang nanunukso na  tumatawag sa kanya ng “monkey girl” subalit tumigil na rin umano ang mga iyon sa panunukso.

Sa panayam sa media, sinabi ng ama ni Natty na may Ambras Syndrome pa rin ang anak, subalit nagsimula na itong mag-ahit ng buhok sa mukha at katawan mula nang pakasalan niya ang kanyang nobyo.

Sa larawan ni Natty at ng kanyang asawa na ibinahagi niya sa kanyang Facebook account, nilagyan niya ito ng caption na: “not just my first lover, you’re the love of my life” sa sarili niyang wika.

Wolf girl shaves facial hair for love Image from BF's Facebook account

 

Loading...