Jodi Sta. Maria, masayang masaya sa pagiging dean’s lister

Mga larawan mula sa Instagram account ni Jodi Sta. Maria

“Kapag gusto, may paraan. Kapag ayaw, maraming dahilan.”

Pinatunayan ng magaling na aktres na si Jodi Sta. Maria na kung gugustuhing makamtan ang isang pangarap, kailangan itong pagsikapan anuman ang hirap na kailangang harapin, kahit pagsabay-sabayin pa ang career at pagiging ina.

Masayang-masaya si Jodi dahil nakapasok siya sa dean’s list bilang mag-aaral ng BS Psychology sa kabila ng hectic schedule sa upcoming teleseryeng Sana Dalawa Ang Puso kung saan gagampanan niya ang papel ng kambal, kasama sina Richard Yap at Robin Padilla.

Hindi gaya ng kanyang mga kasabayan, nananatili pa ring makinang ang career ni Jodi na nagsimula noong 1990 hanggang sa kasalukuyan. Nakilala ang kanyang husay sa seryeng Tabing Ilog, at lalong napatanyag sa matatagumpay na teleseryeng Be Careful With My Heart kung saan sumikat ang tambalang Ser Chief at Yaya Maya, at remake ng Pangako Sa’Yo sa pagganap bilang Amor Powers.

Hindi rin naging hadlang ang pagiging single mom ni Jodi. Sinisiguro niyang hands on siya sa pag-aalaga sa anak nila ng dating asawang si Panfilo Lacson, Jr. Wika nga niya, hindi nagtatapos ang buhay pagkatapos “magbigay ng buhay.”

Makikita sa kanyang Instagram account ang kanyang larawan habang bitbit ang sertipiko ng pagkilala ng kanyang pagiging dean’s lister.

Blessings come in many forms and today, I got mine in the form of a recognition certificate for being part of the Dean’s List in school. I’m first to admit that it’s been a roller coaster ride juggling my career and school. I’m taping for my upcoming show; there has been a lot of late nights and weekends spent with books. But you know what, it’s possible! I’m proud of myself for pulling through and I hope this inspires you to just keep going and never stop learning! It’s never easy but that makes the journey of learning more beautiful and interesting.

Tomorrow’s another day but allow me to bask in this achievement which I couldn’t have reached without God’s grace. Thank you!

Malapit nang mapanood ang teleseryeng Sana Dalawa Ang Puso sa Primetime Bida ng ABS-CBN Kapamilya Network.

Loading...