Judy Ann Santos, bukas sa posibilidad na magkaroon ng sequel ang “Mara Clara”

Mga larawan mula sa Instagram accounts nina Judy Ann Santos at Gladys Reyes

Bukas sa posibilidad ang aktres na si Judy Ann Santos na magkaroon ng sequel o karugtong ang longest-running soap opera sa Philippine TV na Mara Clara kung saan  bumida at gumanap siya bilang Mara, at gumanap naman bilang Clara ang matalik na kaibigang si Gladys Reyes.

Ayon sa panayam kay Santos kaugnay ng pelikulang Ang Dalawang Mrs. Reyes kasama ang aktres na si Angelica Panganiban, kung magkakatotoo man ang sequel, ibang Mara na raw ang makikita ng lahat. Tiyak na isa na itong inang handang ipagtanggol ang kanyang mga anak, at hindi na papayag na api-apihin pa.

Reunion project nila ni Gladys Reyes ang Ang Dalawang Mrs. Reyes dahil gumaganap itong isa sa mga kaibigan niya sa pelikulang nagbukas noong Enero 17, 2018 at mapapanood sa mga sinehan sa buong bansa.

>Sa isang episode naman ng morning show na Magandang Buhay, naging guests naman ng mga Momshies ang original Mara at Clara. Nagkaroon pa sila ng kaunting re-enactment sa isa sa mga naging eksena ng kanilang dating soap opera. Magkaibigan sa tunay na buhay sina Judy Ann at Gladys. Parehong masaya ang kanilang buhay sa kani-kanilang sariling pamilya.

Masayang kwentuhan sa Magandang Buhay mamya na pagkatapos ng Umagang Kay Ganda sa Abscbn. #mbfriendshies

A post shared by Gladys Reyes-Sommereux (@iamgladysreyes) on

 

Re-enactment ng Mara Clara sa Magandang Buhay. #mbfriendshies

A post shared by Gladys Reyes-Sommereux (@iamgladysreyes) on

Tumagal ng halos limang taon sa ere ang unang Mara Clara na umikot sa pagtuklas sa tunay na katauhan nina Mara at Clara na nagkapalit ng tunay na pamilya, at ang naging susi sa katotohanan ay isang diary. Dumanas ng katakot-takot na pang-aapi at pang-aalipusta si Mara mula kay Clara at sa iba pang mga naging kontrabida ng naturang soap opera.

Matapos ang soap opera sa telebisyon ay isinapelikula naman ito ng Star Cinema.

Noong 2010, isinagawa ang remake nito sa pagganap ni Kathryn Bernardo bilang Mara at Julia Montes bilang Clara na nagbukas sa dalawa sa kasikatan hanggang sa kasalukuyan.

Panoorin ang music video ng Mara Clara the movie na ipinalabas ng Star Cinema via YouTube channel.

Fact-checked against the following source(s) :

ABS CBN News, YouTube Channel, Wikipedia, Instagram