Kampo ni Lomachenko itinanggi ang posibleng laban kay Pacquiao: “Pacquiao is Old, No Gain in Beating Him”

Itinanggi ng kampo ni Ukrainian champion Vasyl Lomachenko ang mga ulat na may nagaganap na umanong negosasyon sa posibilidad ng boxing match laban kay Senador Manny Pacquiao.

Ayon sa ulat ng Bombo Radyo, sinabi ng manager ni Lomachenko na si Egis Klimas, imposible umano ang laban dahil mas mataas umano ang weight class ni Pacquiao kumpara sa Ukrainian.

No, we are not fighting Pacquiao. Manny Pacquiao is calling out Lomachenko, who is three weight classes down the scale from him. Manny Pacquiao is 147 pounds and he’s calling out Lomachenko, who is 130 pounds. That’s insane,” ani Klimas.

Wika pa ni Klimas, wala rin umano silang mapapala kung sakaling labanan nila ang Senador dahil matanda na raw ito.

He’s an old man and Lomachenko beating him takes him nowhere. If the fight happened they’ll all say Lomachenko beat an old man and made him come down (in weight). Even if he beat Pacquiao, they’d say he beat an old guy who was basically retired. We want to fight active champions dominating their weight classes.”

Nauna nang inihayag ng eight-time world champion na balak umano nitong bumalik sa lona sa Abril kung saan naka-break ang  Senado.

Disyembre 2017 ang huling laban ni Lomachenko kung saan napanatili nito ang kanyang WBO super-featherweight title nang ma-TKO nito ang Cuban stylist na si Guillermo Rigondeaux.

Fact-checked against the following source(s) :

Bombo Radyo, Boxing Scene, ABS CBN