Kilalanin ang “Batman” ng traslacion, ang superhero na deboto ng Nazareno

Image Capture of Video by ABS-CBN via Youtube channel
  • Si Rodrigo Dizon ay nagsusuot ng “Batman costume” tuwing sumasali sa traslacion
  • Nagsusuot umano siya ng costume upang maipakita na kahit superhero ay kailangan ang Poong Nazareno

Tuwing darating na ang panahon ng piyesta ng Poong Itim na Nazareno ay madalas nakikita ang isang lalake na nakasuot ng “Batman” sa prusisyon. Siya ay kilala bilang si “Batman ng Nazareno.”

Lahat ay binabati niya at pati si Monsignor Hernando “Ding” Coronel, Rector ng the Minor Basilica of the Black Nazarene, ay binabati rin siya.

Sakay ng kanyang bisikleta, si “Batman” ay taimtim na nagdarasal kasama ng libu-libong deboto ng Poong Nazareno.

Kinilala siya bilang si Rodrigo Dizon na taga-Bulacan, 50-anyos at may dalawang anak. Aniya sa ABS-CBN, “Sa tuwing ako ay dadalaw sa Poong Nazareno, iba ang aking pakiramdam. Binibigyan ako ng malakas na pangangatawan at matatag na samahan.”

Lubos ang kanyang pasasalamat sa Poong Nazareno dahil maayos ang kanilang pagsasama sa pamilya at maganda ang kanyang negosyo na tricycle business at kangkungan.

Talagang mahilig si Mang Rodrigo mangolekta ng mga bagay tungkol sa mga superhero. Ang bahay niya at mga motor ay may mga maskara at stickers ni Batman.

Ipinaliwanag ni Mang Rodrigo kung bakit siya ay nagsusuot ng costume. Aniya, “Ako po ay nagsusuot ng super hero costume para agaw-atensyon.”

“Para ipaalam sa kanila na hindi lang ordinaryong tao ang nagdadasal sa Poong Nazareno kundi superheroes din. Kasi si Batman laging sinasabi ‘Si Batman bahala’ — si Lord ang bahala sa atin,” dagdag niya.

Panoorin ang balita ng Umagang Kay Ganda mula sa ABS-CBN Youtube channel.

Source :

ABS-CBN, Youtube

Loading...