Libo-libong factory worker kakailanganin sa South Korea; P60,000 basic pay ang naghihintay

Image from Partido Manggagawa

Magandang balita para sa mga naghahanap ng trabaho abroad!

Libo-libong factory workers ang inaasahang kakailanganin sa bansang South Korea,  ayon sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA).

Ayon sa ulat ng ABS CBN, sinabi ng POEA na bahagi ito ng quota  na ibinibigay nila sa mga sending countries gaya ng Pilipinas taon-taon.

Five thousand pataas ‘yung binibigay sa ating quota ng Korea. Sa factory workers, ito ‘yung sa electronics, textile, chemical, saka sa food,” ani  POEA Deputy Administrator Jocelyn Sanchez.

Ang basic pay ng mga factory worker sa South Korea ay nasa P60,000 o $1,200.

Ang proseso ng aplikasyon ay ang mga sumusunod:

  1. Magparehistro sa POEA Website
  2. Korean Language Exam
  3. Skill test
  4. Medical exam

Ayon sa POEA, malaking bentahe ang may work experience na ngunit tatanggapin pa rin kahit ang mga wala pa basta’t makapasa sa language test.

Paghahandaan ninyo ‘yung Korean language, ‘yung basic. Nakakapasa naman ‘yung mga worker kahit self-study ‘to. Plus factor din kung may work experience ka,” ani Sanchez.

Nagbabala naman ang POEA na huwag maniwala sa mga pribadong grupong nag-aalok ng training o seminar na ginagamit pa ang mga interview ng kanilang tanggapan sa mga broadcast media.

Mainam na magkonsulta muna sa POEA tungkol sa mga job opening upang malaman ang tamang proseso.

Nilinaw ng ahensiya na lahat ng ito’y government-to-government ang proseso kaya sa POEA dadaan lahat ng application at orientation at walang babayarang placement fee bagama’t gagastos sa processing fee.

Panoorin ang ulat na ito ng ABS CBN para sa iba pang detalye:

Source :

ABS CBN, POEA, YouTube

Loading...