Libo-libong paniki namatay dahil mistulang pinrito ang utak sa sobrang init sa Australia

Image from HSWBC's Facebook page

Libo-libong mga paniki ang nasawi sa Australia noong nakaraang linggo dahil sa grabeng init na nararanasan doon.

Ayon sa The Australian, umabot sa 45.1 degrees celsius ang temperatura doon at ang mga paniki na tinatawag na “flying foxes” ay nangangalaglag na lang sa mga punong kanilang sinasabitan.

Sa post ng Help Save the Wildlife and Bushlands in Campbelltown sa Facebook page nito, umabot na umano sa 3,000 ang mga paniking namatay dahil sa sobrang init.

“They basically boil. It affects their brain — their brain just fries and they become incoherent. It would be like standing in the middle of a sandpit with no shade,” ani Kate Ryan, ang Campbelltown flying fox colony manager.

Ayon sa New South Wales Wildlife Information, Rescue and Education Service, maraming flying foxes ang nasagip ng mga rescuers sa pamamagitan ng pagbibigay ng tubig sa mga ito, subalit napakarami rin ang hindi natulungan at namatay habang nakasabit pa sa mga puno.

Ang flying fox na siyang pinakamalaking paniki sa Australia ay itinuturing pa manding isang “vulnerable species” na ang kasalukuyang populasyon ay nasa “critical priority” na.

Loading...