Lolong nagtitinda ng mga laruang Doraemon at Hello Kitty, kinagiliwan ng netizen

Mga larawan mula sa Facebook account ni Divine Viejon

Pinatunayan ng isang lolo na ang kaligayahan ng tao ay maaaring matamo sa pamamagitan ng mga simpleng bagay. Ito’y matapos mag-viral sa social media ang kanyang larawan at video kung saan nagtitinda siya ng mga laruang Doraemon at Hello Kitty sa isang kalsada.

Batay sa mga kuhang larawan at video ng netizen na si Divine Biejon sa kanyang Facebook, isinalaysay niya kung paano niya nakilala ang lolong nagtitinda ng mga laruan at kung paano ito nakapagdulot sa kanya ng kasiyahan.

Aniya, ni isa raw ay walang pumansin sa lolong nagtitinda ng mga laruang Hello Kitty at Doraemon. Nagpasya ang netizen at ang kanyang pinsan na lapitan ito at tanungin kung magkano ang kanyang mga paninda.

Una ko talagang napansin si tatay. The whole time kasi na nandun kami sa bandang harap niya, ni isa, walang bumili ng paninda niya. At bilang naaliw naman talaga kami ng pinsan ko sa athletic hello kitty and Doraemon ni tatay, lumapit na ako at nagtanong.

Ako: Tay, magkano po yan?

Tatay: 25 lang. Bili ka na para sa kapatid mo neng.

Ako: Ay bibili po ako tay pero para po sa akin. Hehe.

Tatay: Ay sige neng. Pampawala ng stress. 😂

Agad na bumili ang naturang netizen ng mga nakaaaliw na paninda ng lolo. Hinimok naman niya ang lahat na bilhin ang mga panindang laruan nito dahil nakawawala ng stress lalo na sa mga katulad niyang naghahanapbuhay. Ang mas nakatutuwa rito, nagagawa ng isang lolo na maalis ang stress ng mga tao kahit “stressful” ang kanyang kalagayan.

Di ko po kilala si tatay pero sa mga taga-Bicutan dyan, pag nakita niyo po si Tatay dyan sa tapat ng Landbank, General Santos Ave malapit po sa DOST, bili naman po kayo kahit isa lang. Nakaka-aliw yung toys niya. Nakakatuwa lang na mina-market niya sakin habang nakangiti na nakakawala ng stress sa work yung paninda niya pero hamak naman na mas stressful yung sitwasyon niya.

Patunay lamang ito na ang kaligayahan sa buhay ay nasa kani-kaniyang perspektibo lamang at kung paano ito dadalhin. Pagpalain ka nawa, Tay!

Fact-checked against the following source(s) :

Facebook, Facebook, Facebook