Malacañang: Umaasa na Federal gov’t na bago matapos ang termino ni Duterte

Image from PCOO Facebook page

(Manila, Philippines) Umaasa ang Malacañang na bago matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte sa 2020 ay magiging Federal government na ang Pilipinas

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, bagama’t hindi pa nakauusad ang unang hakbang ukol dito ay masisimulan din ito sa tamang panahon.

Ayon pa kay Roque, ang pagbabago ng sistema ng pamahalaan ay prayoridad ni Pangulong Duterte.

Naniniwala umano ang spokesman na maaaring isabay sa 2019 Elections ang plebisito upang maamyendahan ang Saligang Batas, ayon sa ulat ng Radyo Inquirer.

Sa naging pahayag pa ni Roque, iginiit niya na wala umanong balak ang Pangulo na pahabain ang termino nito kung kaya’t wala raw dapat ipag-alala ang taumbayan.

Sa inisyal na ulat ng Bombo Radyo, nauna nang binanggit ni House Speaker Pantaleon Alvarez na masisimulan na ang pag-amyenda sa Saligang Batas ngayong 2018.

Samantala, inaasahan sa Senado na sa susunod na linggo ay gagalaw na ang liderato, at ito ay ayon sa paghahain ng panukalang batas na umano’y may kaugnayan sa Charter Change.

Loading...