Malacañang: Walang katotohanan ang ‘compromise agreement’ sa pagitan ng gobyerno at pamilya Marcos

Image via Presidential Communications Operations Office

“Walang katotohanan!”

Mariin na itinanggi ng Malacañang ang napabalitang ‘compromise agreement’ na nabuo sa pagitan ng pamahalaan at pamilya Marcos.

Ani Presidential Spokesperson Harry Roque, hindi pa nila inaaksyunan ang liham ni Atty. Oliver Lozano; kilalang Marcos loyalist.

Wika ni Roque, ipinapanukala ni Lozano ang pagbuo ng isang legal team na susuri sa isang compromise agreement, ayon sa ulat ng Bombo Radyo.

Paliwanag ng spokesman: “Attorney Oliver Lozano may have written to Malacañang proposing the creation of a legal team that would study a compromise agreement with the Marcos family. The proposal, however, has not been acted and agreed upon by the Palace.”

Ayon naman kay Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, nakarating umano sa kanya ang panukalang pagbalik ng mga Marcos ng bahagi ng umano’y tagong yaman ng pamilya ngunit kapalit nito ay ang pagbasura sa lahat ng kanilang mga kaso.

Ani Panelo: “Our office as a matter of courtesy and policy acknowledges receipt of any letter coming from any citizen. No action has been taken on Attorney Lozano’s proposal.”

Sa Facebook post ni Gang Badoy Capati, ibinahagi niya ang post sa  Facebook page ng Friends of Alecks Pabico ang kopya ng compromise agreement na nilinaw naman niya na “draft” pa lamang.

Loading...