Masamang epekto ng liquid ecstasy nakita sa video na nakumpiska sa 2 tulak ng droga

Imahe kuha sa video ng GMA News

Nakita sa isang video na nakumpiska ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) mula sa supplier ng mga ilegal na droga ang masamang epekto ng paggamit ng liquid ecstasy

Ang liquid ecstasy ay hinahaluan na rin umano ng cocaine at kung minsan ay ng viagra upang mas malakas ang epekto ng droga.

Ayon sa Radyo Inquirer, ang video ay nakumpiska sa drug pusher na kinilalang si Lester Almalbez, 36-anyos, at kasamang si Harold Peñaflor sa isang buy-bust operation sa condominium na tinutuluyan ng dalawa sa Mandaluyong City noong Huwebes, ika-11 ng Enero.

Nakuha rin sa mga suspek ang  70 tabletas ng ecstasy, 1.6 litro ng liquid ecstasy na nakalagay sa mga botelya ng energy drink at anim na pakete ng cocaine na tinatayang aabot sa P666,000 ang halaga.

Sa video na nakumpiska, makikita ang dalawang babae na “tumira” ng liquid ecstasy. Ang isa ay walang malay at ang isa naman ay tila nawawala sa sarili na nagpapagulong-gulong at sumisigaw ng mga hindi naiintindihang mga salita.

“Ito po ‘yung effects ng liquid ecstasy. Ito po ‘yung parang nagkakaroon ng seizure, agitation, jerking muscle movements, paranoia and bizarre behavior,” ayon kay PDEA Director General Aaron Aquino.

Lumitaw sa pagsisiyasat ng PDEA na ang source ng droga ay isang convicted big-time drug lord na nakapiit sa New Bilibid Prison.

Panoorin ang video sa ulat ng GMA: (PAALALA: Sensitibo ang nilalaman)

 

 

 

Loading...