Mccoy de Leon hindi ininda ang sakit upang makasampa sa andas ng Poong Itim na Nazareno

Images by Mccoy de Leon via Instagram account
  • Nakasampa si Mccoy de Leon sa andas ng Poong Itim na Nazareno.
  • Laking tuwa niya at tinawag itong “pinakakaibang nagawa ko sa buong buhay ko”

Laking tuwa ni Mccoy de Leon na siya ay nakasama sa Traslacion ng Poong Itim na Nazareno. Hindi raw niya ininda ang sakit at pagod dahil talagang “kakaiba” ang kanyang naramdamdam sa prusisyon.

Nagpasalamat ang Hashtags dancer na siya ay nakasampa sa andas ng Poon. Nagkaroon siya ng pagkakataon na makalapit sa imahe. Aniya sa kanyang Instagram, “Dalawang halik sa krus at nahawakan ko pa ang kamay mo.”

Hindi raw niya napigilan na matulala na lamang habang nakatingin sa Poong Nazareno: “Ito ay isa sa pinaka-kakaibang nagawa ko sa buong buhay ko. Natulala lang ako noong nasa taas ako habang nakatingin lang sa ‘yo at hindi na inda lahat ng sakit sa katawan bago sumampa.”

Pinasalamatan rin niya ang mga tumulong sa kanyang makasampa, “Maraming salamat lahat salamat dahil hinayaan mo kong makalapit sayo Poong Nazareno. Mahal ka po namin 🙂 Salamat sa mga nakasama ko na tinulungan ako pag sampa sa mga taga Wagas Batang Ibarra. Sa mga kaibigan ko at syempre sa Daddy ko.”

Ipinakita rin niya ang kanyang maruming mga paa, mga bakas ng kanyang pagpupursiging pagsali sa prusisyon. Tunay nga namang naging maganda ang karera ni Mccoy sa nakaraang taon kaya maraming siyang ipinasalamatan.

 

Loading...