Mga anak nina Ryan at Juday, limitado ang paggamit ng gadgets, may oras magbasa

Imahe mula sa Instagram ni Ryan Agoncillo

Hindi raw pinalalaking sanay sa gadget ang mga anak nina Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos. Maaari silang gumamit ng mga ito ngunit kailangan nilang magbigay ng oras sa pagbabasa ng libro.

Ayon sa PhilStar, sa panahon ngayon na kung saan sanay na sanay nang gumamit ng gadgets ang mga bata, naiiba naman ang mga anak nina Agoncillo at Santos na limitado ang oras sa paggamit ng gadgets.

Ibinahagi ni Santos ang sistema nila noong bakasyon.

“Give and take lang. We stick to our one-hour rule when using gadgets. They have to read a book or at least finish one book or more before matapos ang bakasyon,” saad niya.

Kamakailan ay nag-viral sa social media ang video na ipinost ni Santos, kung saan nagbabasa ng libro ang kanilang mga anak kasama ang iba pang mga bata. Nakakuha ito ng mahigit 300,000 views, as of posting.

 

Loading...