Mga pasahero ng Grab, na-shock dahil si Isabelle Daza ang driver

Image capture of video by Isabelle Daza via Facebook

Halos hindi makapaniwala ang dalawang pasahero nang malaman na ang aktres at socialite na si Isabelle Daza ang kanilang driver nang mag-book sila ng Grab.

Sa video na kanyang ibinahagi sa Facebook, ipinakita ng nagdadalantaong si Isabelle ang naging karanasan niya bilang Grab driver.

Humiram siya ng TNVS (transport network vehicle service) sa isang tinawag niyang Kuya Domingo.

Humingi pa ang aktres ng tip kay Kuya Domingo kung paano makakakuha ng five-star rating mula sa mga pasahero. Maging magalang at mainit na pagbati sa mga pasahero ang tips na ibinigay nito kay Isabelle.

Kinailangan pang mag-adjust ni Isabelle nang malaman na manual transmission ang TVNS na nahiram.

“OMG! Stick shift s’ya,” sabi ng aktres.

At nagsimula ang kanyang “stress” nang may isang pasahero ang nag-book sa kanya.

At syempre pa, laking gulat ng pasahero nang malaman na ang socialite na aktres ang kaniyang driver. Ganoon din ang reaksiyon ng ikalawang pasahero.

“Oh, my God! What’s going on?” gulat na sambit ng unang pasahero.

“No way! My gosh,” ang sabi naman ng ikalawa.

Nakipag-selfie pa si Isabelle sa mga pasahero niya.

Sa pagtatapos ng kanyang araw bilang Grab driver, sinabi ng aktres na masaya siya at naging maayos ang lahat dahil na rin umano sa mga pasahero niyang “pleasant to be with.” Nangako rin si Isabelle na magiging “nicer” na siya sa mga driver.

Panoorin si Isabelle bilang Grab driver:

Loading...