Myrtle, sasabak sa sexy drama movie

Imahe mula sa Instagram account ni Myrtle Sarrosa

Ilulunsad umano ng Regal Entertainment ang aktres na si Myrtle Sarrosa sa isang sexy drama film.

Ayon sa PEP, kinumpirma ni Ms. Roselle Monteverde ang sexy drama na pelikula na gagampanan ni Sarrosa na ididirek ni Maryo J. de los Reyes.

Masaya raw si Sarrosa sa mga magagandang pangyayari sa kanya sa pagpasok ng taon.

“Sobrang grateful ko! Kapapasok pa lang ng 2018, marami nang magagandang balita na dumadating sa akin. So, excited na ako sa upcoming film na gagawin ko sa Regal,” ani Sarrosa.

Hindi pa detalyado ang nasabing movie kaya’t hiling ng dating PBB housmate na sana’y matuloy ito.

“Pero hindi ko pa alam ang mga detalye. Ipinagpe-pray ko na matuloy na siya talaga,” wika niya.

Nakasalalay daw sa kanyang role kung hanggang saan ang kaya niyang gawin at ipakita.

“Depende sa role. Willing ako to get into roles. Kasi, pinag-aaralan natin yung acting. Pag pumapasok ka sa iba’t ibang role, kailangang ibinibigay mo ang lahat para mabigyang hustisya ‘yung character. Sa akin, as long as ‘yung character, napakaganda… at may kuwento siya talaga, gagawin ko ‘yung character,” saad ng aktres.

Ngunit hindi niya raw kayang mag-topless at ibilad ang kanyang katawan.

“Huwag naman ‘yong topless. ‘Yong sexy, OK lang. Pero ‘yong full front nudity, hindi,” dagdag niya.

Pero nais daw ni Direk Maryo na maging ka-level sana ni Claudia Zobel si Sarrosa.

Bukod sa pagiging aktres at modelo, hinahangaan din ang aktres sa pagiging masigasig nito sa pag-aaral at sa trabaho. Noong 2017 ay nagtapos siya sa Unibersidad ng Pilipinas-Diliman bilang cum laude. Ito ay sa kabila ng pagiging abala niya sa kanyang showbiz career.

Source :

PEP, Rappler, YouTube

Loading...