P11.8-M halaga ng shabu nasabat sa Dumaguete; lalaking may dalang M.I.L.F. ID ******** rin dahil sa droga

Image from DF Balita

At nagpapatuloy pa rin ang war on ***** ng pamahalaan.

Nasabat ng mga awtoridad sa isang bahay sa Barangay Mangnao, Dumaguete City nitong Enero 17 ng umaga ang tinatayang aabot sa P11.8 milyong halaga ng hinihinalang shabu.

Ayon sa ulat ng ABS CBN, sa pamamagitan ng search warrant ay sinalakay ng mga  operatiba ng Special Operations Group (SOG) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang bahay ng 38-anyos na si Orson Villegas.

Mahigit-kumulang sa isang kilo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P11.8 milyon at cash na P27,670 ang nasamsam sa loob ng bahay ni Villegas.

Ayon kay SPO4 Allenjun Germodo, si Villegas ay kabilang sa high-value target na nagtutulak ng droga sa probinsya.

Itinanggi ng suspek ang mga paratang na siya’y  tulak at hindi rin umano sa kanya ang mga na-recover na iligal na droga.

Ani Villegas, galing siya sa sabong nang sumalakay ang mga operatiba at doon na hinalughog ang kanyang bahay.

Si Villegas ay matagal nang minamanmanan ng PDEA.

Galing sa Maynila ang suplay ni Villegas ng droga na pinalulusot sa pamamagitan ng pagsakay sa barko; ayon kay Jason Cabataña, PDEA agent.

Patuloy na tinututukan ng mga awtoridad ang seguridad sa mga pantalan upang tiyaking hindi na makapupuslit sa probinsiya ang mga ilegal na droga.

Samantala ******** ang 24-anyos na si Asmin Andam na diumano’y may dalang identification card ng Moro Islamic Liberation Front (M.I.L.F.) sa isinagawang drug-buy bust operation sa Barangay Banale nitong  Miyerkules.

Si Andam ay residente ng Barangay Payong sa Sultan Naga Dimaporo, Lanao del Norte.

 

Fact-checked against the following source(s) :

ABS CBN, RMN, Inquirer

Loading...