Pagbisita ni Xander Ford sa Ati-Atihan Festival ipinagtanggol ng organizer makaraang  umani ng batikos  

Imahe mula sa Facebook account ni Xander Ford

Ipinagtanggol ngayon ng pamunuan ng Kalibo Sto. Niño Ati-Atihan Foundation, Inc. (KASAFI) ang nakatakdang pagbisita ng internet sensation na si Xander Ford sa kanilang okasyon.

Si Xander ay nakatakdang mag-guest sa Ati-Atihan Festival King na gaganapin sa Enero 15, 2018.

Ayon sa ulat ng Brigada, sinabi ni Mr. Albert Meñez, Chairman ng KASAFI, na wala siyang nakikitang problema kung si Xander ang magiging guest sa naturang event.

Paliwanag pa ni Meñez, si Xander ay trending, kinilala bilang Most Googled at Most Top Newsmaker Personality noong 2017.

Saad pa nito, may sponsor din umano ang 21-anyos na siyang sasagot sa talent fee at iba pang gastusin nito.

Paliwanag pa niya, hindi rin umano masamang tao si Xander at maituturing na publicity kung may masama o mabuting komento laban sa kanya.

Magugunitang umani ng batikos mula sa mga netizens ang nakatakdang pag-guest ni Xander sa naturang event.

Naging kontrobersiyal din si Xander dahil sa hindi magandang komento nito kay Kapamilya actress Kathryn Bernardo noong isang taon.

 

Loading...