Pang. Duterte “most approved, most trusted” opisyal ng pamahalaan – Pulse Asia survey

Image capture of video by RTVM

Napanatili ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pinakamataas na trust at approval rating sa hanay ng mga opisyales ng pamahalaan, ito ay ayon sa pinakahuling survey na ginawa ng Pulse Asia.

Sinabi sa ulat ng InterAksyon na sa survey na isinagawa noong ika-10 hanggang ika-15 at ika-17 ng Disyembre 2017 ay nakuha ni Pangulong Duterte ang 80% approval rating at 82% trust rating.

Sa naturang survey, napag-alaman ng Pulse Asia na pitong porsiyento ng mga participants ang nagsabing hindi aprobado sa kanila ang performance ng Pangulo, samantalang anim na porsiyento naman ang may maliit o walang tiwala sa kanya.

Nakuha ng Pangulo ang pinakamataas na trust rating sa Mindanao (94%), sinundan ito ng Visayas (86%). Nakakuha naman siya ng 79% trust rating sa Manila at 74% sa Luzon.

Bukod sa Pangulo, nakakuha rin ng mataas na approval at trust rating sina Vice President Leni Robredo at Senate President Koko Pimentel.

Ang approval score ni VP Robredo ay 59% at ang trust rating ay 58%. May 57% at 53% approval at trust rating naman si Pimentel .

 

Loading...