‘Pantasya ng Bayan’ na si Joyce Jimenez, kamusta na kaya matapos nitong iwan ang showbiz?

Public Domain

Kamusta na kaya ang ‘Pantasya ng Bayan’ na si Joyce Jimenez makaraang iwan nito ang kanyang buhay showbiz?

Si Joyce Jimenez o si  Joyce Herrin Reintegrado-Egbalic sa tunay na buhay ay naging popular  na sexy actress  noong 90’s at 2000’s kung saan ang kanyang alindog ay pumukaw sa atensiyon ng maraming tagahanga.

Sa kabila ng tinatamasang kasikatan ni Joyce ay bigla nitong nilisan ang showbiz.

Ayon sa ulat ng PhilNews, si Joyce ay ikinasal noong 2008 kay Filipino-American Paul-Ely Egbalic na miyembro ng  Armed Forces of the US.

Taong 2013 nang sinabi ni Joyce na hindi niya pinagsisihan ang paggawa ng anumang pelikula.

Ani  Joyce, “I’m proud of all the movies I’ve done. I don’t regret anything. Sa akin, when I did those movies I was of age, and that’s all they were, they were just roles to me. I don’t think it made me any less of a person.

Ang 39-anyos na dating aktres ay kasalukuyang naninirahan kasama ang kanyang pamilya sa US. Sila’y may tatlong anak; sina Jorja Ely, Jaysen Elise, at  Julian Elysson.

Nakasama ni Joyce ang ilang kilalang personalidad sa showbiz gaya nina Mark Anthony Fernandez, Diether Ocampo, Aga Muhlach at Albert Martinez.

Loading...