Papa Jackson, sinita ni Manay Lolit

Mga imahe mula sa Instagram accounts nina @akosilolitsolis at @johngemperle

Sinita umano ni Manay Lolit Solis ang disk jockey na si Papa Jackson noong nakaraang taon dahil sa pagkuha sa kanya bilang ninang sa kasal pagkatapos ay nalaman niya na lang na nakasal na pala ito at hindi man lamang siya nakatanggap ng invitation.

Ayon sa Abante, nanonood si Solis ng Eat Bulaga sa isang salon kung saan isa sa celebrity contestants sa Pinoy Henyo si Papa Jackson. Naalala niya bigla ang nangyari.

Sinadya raw siyang puntahan ni Papa Jackson kasama ang noon ay mapapangasawa pa lang nito para kunin siyang ninang sa kanilang kasal.

Pumayag naman daw ang kilalang talent manager/entertainment columnist.

Nagtaka na lang daw siya dahil nang magkita sila ni Ali Sotto, tinanong raw siya ng actress/radio host kung bakit hindi niya sinipot ang kasal ni Papa Jackson at isa pa naman daw siya sa mga ninang. Ikinagulat niya umano ang pag-uusisang iyon ni Sotto.

“Naloka ako. Pinunta-puntahan pa naman ako ng Papa Jack(son) na ‘yan para sabihan na kukunin nila akong ninang at na-touch ako, pero hindi ako nakatanggap ng invitation. Ni hindi ko alam kung kailan at saan ang kasal. Kung hindi pa ako nakita ni Ali, hindi ko malalaman na nakasal na pala si Papa Jack(son). Sabi pa naman ni Ali, bakit hindi raw ako nagpunta? Expected pa naman daw ako. Sabi ko, paano akong pupunta, e wala akong idea talaga tungkol sa kasal na ‘yon, ‘no? Nagmukha pa akong indyanera. Hmph!” paliwanag ni Solis.

“So, inaway-away ko talaga ang Papa Jack(son) na ‘yan. Sobrang explain naman sa akin. Sorry nang sorry kasi wala raw silang wedding coordinator ek-ek. Pinatawad ko naman siya, pero hindi ko na siya binigyan ng gift, huh!” pabirong dagdag ni solis.

Matatandaang isa si Solis sa mga paboritong kunin bilang ninang sa kasal ng mga celebrity.

Source :

Abante, Pinoy Paparazzi, Bandera

Loading...