Posibilidad na dagdag suweldo ng mga public school teachers sa 2020 pa

Public domain

Kaagad na bumawi si Budget Secretary Benjamin Diokno sa naunang pahayag nito na hindi nila prayoridad ang pagtataas ng sahod ng mga public school teachers.

I am not opposed to increasing the salaries of our teachers,” ani Dikono. “I understand the crucial role teachers have in nation-building and I do believe they should be rewarded accordingly.”

Kamakailan ay binatikos si Diokno dahil sa naging pahayag nito na hindi nila prayoridad ang pagtataas ng sahod ng mga guro sa pampublikong paaralan.

Ayon sa ulat ng Brigada, posible umanong maganap ang dagdag suweldo ng mga public school teachers sa taong 2020.

Anang Kalihim, may dagdag sahod din naman ang mga guro dahil sa ikatlong tranche ng Salary Standardization Law o SSL habang sa 2019 naman ipatutupad ang ikaapat at huling tranch na magbibigay ng dagdag suweldo sa mga guro.

Dagdag pa nito, dahil sa TRAIN Law kabilang din ang mga guro sa mga tataas ang take home pay kung saan mas maliit ang ipapataw na buwis sa kanila.

Plano naman ng DBM na simulan sa 2019 ang pag-aaral kung magkano ang dapat na umento sa sahod ng mga guro para sa 2020.

Layon umano nitong makasabay sa sinasahod ng ibang government personnel gaya ng mga doctor, nars, abogado at iba pang propesyong nagtatrabaho sa gobyerno.

Fact-checked against the following source(s) :

Brigada, Rappler, Inquirer

Loading...