Request letter? Istriktong ama nakatanggap ng sulat mula sa mga kaibigan ng anak

Imahe mula sa Facebook post ng page na Pepeng Pinakamalupet

Sa kagustuhang makasama ang kanilang kaibigan sa isang birthday party, gumawa ng isang matapang na hakbang ang isang grupo ng mga kabataan — ang sulatan ang istriktong ama ng kanilang kaibigan.

Sa Facebook, ibinahagi ng page na Pepeng Pinakamalupet ang nasabing liham.

“Ganito ang dapat gagawin para ipaalam ‘yong tropa sa mo na may strict na parents kapag may outing kayo. CTTO (credits to the owner),” saad ng caption ng page.

“Dear Tito Chrisanto, magandang buhay! Para sa guwapong tatay ng aming kaibigan, pinapaalam po namin ang inyong anak na si Kriszel Angelie Perez Jabaybay na pasamahin n’yo po sa swimming naming magkakaibigan dahil po birthday ng aming isang kaibigan. Ipinapangako po namin na ibabalik po namin nang buong-buo ang inyong anak att busog pa. Hindi po namin siya pabbabayaan kaya sana payagan n’yo na po siya,” wika ng magkakaibigan.

“Maraming salamat po! Kami ay umaasa (sanay naman po kami) na payagan n’y po siya. Maraming salamat po,” dagdag pa nila.

Pinirmahan ng bawat isa ang nasabing liham.

Ang resulta?

“Pinayagan ako niyan HAHAHAHAHAH,” tugon ni Kriszel sa isang Facebook user na nagtanong.

Tila maraming magulang at anak na naka-relate sa post na ito. Umabot na ng pa-7,000 ang mga komento at karamihan ay mga kuwentong hawig sa usapang “permiso”.

Kung ikaw ang magulang na pinadalhan ng liham na ito, papayag ka na ba?  ^_^

Loading...