Robin Padilla nagsalita na upang sila’y magkaayos ni Aljur Abrenica

Imahe mula sa Instagram account nina Kylie Padilla/Robin Padilla/Aljur Abrenica

Isa lamang ang nais ni Robin Padilla upang sila’y tuluyang magkaayos ni Aljur Abrenica, na karelasyon ni Kylie Padilla — ito ay pakasalan ni Aljur si Kylie.

Sa panayam ng StarsPhotog Vidz, sinabi ni Robin na hindi nito maibibigay ang buong suporta kina Aljur at Kylie kung hindi nito susundin ang payo niyang sila’y magpakasal.

“Lahat naman kami hopeful [na magkaayos].  Ako ay tatay. Ang lahat ng tatay, gusto pakasalan ang anak. Kapag napakasalan niya ‘yung anak ko eh ‘di wala na kaming issue,” aniya.

“1+1 lang yun! Kailangan niya bang pag-isipan pa kung anong problema namin..” dagdag nito.

Tinanong din si Robin kung personal nitong  hiniling kay Aljur na pakasalan ang anak.

 “Mag-rerequest ako? Ay ‘di ako marunong mag request. “Kung papayagan lang ako ng anak ko eh di hinatak ko yan hanggang simbahan!” ani Robin.  “May kalayaan ang anak ko sa gusto niyang gawin.

 “Ang sinasabi ko lang, kung gusto nilang makuha ‘yung suporta ko, sundin nila ako. Kung ayaw naman nilang makuha ang suporta ko, huwag nila akong sundin. Huwag silang gumawa ng issue sa akin,” paliwanag ni Robin.

Matatandaang dati nang napabalita na may hindi pagkakaunawaan sina Robin at Kylie.

Noong 2017 nang naging engaged sina Aljur at Kylie. Isinilang naman ang kanilang unang anak na si Alas Joaquin noong  August 4, 2017.

Si Kylie Padilla ay anak ni Robin Padilla kay Liezl Sicangco.

Panoorin ang video na ito ng StarsPhotog Vidz para sa iba pang detalye:

Fact-checked against the following source(s) :

StarsPhotog Vidz, Kami, Balita DF, Balita DF