Sam at Mari Jasmine, hiwalay na

Imahe mula sa Facebook page ni Sam Milby

Kumpirmadong hiwalay na ang aktor na si Sam Milby at ang TV host-blogger-model na si Mari Jasmine.

Gayunman, ayon sa Bandera, hindi na nagbigay pa ng detalye ang Kapamilya actor tungkol sa naging dahilan ng kanilang hiwalayan.

Nitong nakaraang Pasko, kasama ni Sam na nagdiwang sina Erik Santos at Angeline Quinto para sa show nila sa New York, USA. Nakasama rin nila roon ang Cornerstone managers sa pangunguna ni Erickson Raymundo.

Sa pagsalubong naman ng bagong taon ay kasama naman niya ang kanyang mga magulang; tumuloy siya ng Ohio pagkagaling ng NYC.

Bagong taon

Mukhang magiging masaya at produktibo naman ang taon para kay Sam, na magiging abala sa kabi-kabilang proyekto.

Sa first quarter ng taon ipalalabas ang pelikula nila ni Yassi Pressman mula sa Viva Films at IdeaFirst, ang “Pambansang Thirdwheel”.

Samantala, ang Bright Bulb Productions house na itinayo nina Sam, John Prats, at Angelica Panganiban ay maraming nakalinyang proyekto ngayong taon. Excited ang magkakaibigan dahil ito ang unang venture nila bilang mga negosyante. Si Sam ang nag-e-edit sa music videos na idinidirek ni John habang si Angelica naman ang tumatayong production manager.

Loading...