Sen. Drilon, kinampihan ang posisyon ni Pangulong Duterte sa BBL

Mga imahe mula sa Franklin Drilon and President Rodrigo Duterte Facebook pages

Sinang-ayunan ni Senador Franklin Drilon, miyembro ng Liberal Party (LP), ang posisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipasa kaagad ang Bangsamoro Basic Law ( BBL).

“We are in support of the enactment of the Bangsamoro Basic Law. Like the president, we must just ensure that it is consistent with our constitution,” sabi ni Drilon, ayon sa isang artikulo ng Manila Bulletin.

[Sinusuportahan namin ang pag-enact sa Bangsamoro Basic Law. Katulad ng pangulo, kailangan din nating maging consistent sa ating konstitusyon.]

Ang pangulo, ayon kay Drilon, ay napansin na kinakailangan na talagang maipasa ang BBL para sa kapayapaan at istabilidad ng Mindanao.

“Priority ang BBL; that’s what I understand from the president,” saad niya. [Prayoridad ang BBL, iyan ang naiintihan kong pinararating ng pangulo.]

Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na ang pangulo ay ipinahayag ang kanyang mithiing maipasa ng Kongreso ang BBL bago itulak ang Charter Change.

“The President wants to enact BBL first. In his words, ‘It would be hard, once Charter Change begins, to implement the BBL,” sabi ni Roque.

[Nais ng ng pangulo na ma-enact muna ang BBL. Sa kanyang sariling salita, ‘ Kapag nasimulan na ang Charter Change, mahirap nang ipatupad ang BBL.’]

Fact-checked against the following source(s) :

Manila Bulletin, Inquirer, Rappler