Sino-sino ang mga local celebrities na may elevator ang bahay?

Angelica at Angel image from Angel Locsin's Instagam account | White House of the Lord of Scents image from Kathrina Bancuyo

Marami sa mga local celebrities ang may mga naglalakihang bahay, ngunit sino kaya sa kanila ang may elevator ang bahay?

Hindi normal na makikita sa mga bahay ng Pinoy, celebrity man o hindi, ang isang elevator lalo na kung dalawa pa ito. Hindi kasi ito mumurahin at maging ang maintenance ay may kamahalan din.

Ibinahagi ng PEP ang ilan sa mga celebrities na may elevator ang bahay:

Angelica Panganiban

Nabili ni Angelica ang three-storey house niya sa isang exclusive subdivision sa Quezon City limang taon na ang nakalilipas. Ito ‘yung panahon na nagkahiwalay sila ng dating nobyong si Derek Ramsay. May nagpayo umano sa kanya na upang mapalis ang lungkot ay bumili ng bagong bahay.

Mayroong elevator ang bahay na nabili niya

Joel S. Cruz

Ang celebrity entrepreneur na si Joel ang president at CEO ng Aficionado Germany Perfumes. Ang apat na palapag niyang bahay sa Camp John Hay sa Baguio City ay kontrobresiyal, hindi dahil sa elevator nito, kundi dahil hindi tugma ang disenyo nito sa mga log cabins doon.

Ang bahay na isa nang itinuturing na landmark sa Baguio City ay tinawag na White House of the Lord of Scents.

Sharon Cuneta

Pinalagyan ni Sharon ng elevator ang dating bahay niya sa Mandaluyong City noong nabubuhay pa ang ina. Ipinalagay niya ang elevator upang hindi mahirapang umakyat-panaog sa two-storey house ang noon ay may sakit niyang inang si Elaine Cuneta.

May dumbwaiter din ito sa kusina. Ang dumbwaiter ay isang mini-elevator na ginagamit panghatid ng pagkain at maliit na bagay sa iba’t-ibang palapag ng isang bahay.

Regine Velazquez at Ogie Alcasid

Pinalagyan ng mag-asawang Ogie at Regine ng elevator ang bahay nila para sa ama ni Regine.

“Kaya po kami may elevator, dahil po nung may sakit po ang ama ni Regine. At, syempre, ‘yung mga magulang ko rin, ‘yung mommy ko ay nasa 85 na rin, tatay ko 83. Mataas po kasi itong bahay namin, so hindi sila basta-basta nakakataas,” sabi ni Ogie.

Dagdag niya, “Andiyan na rin po ‘yung elevator, so baka na rin sa pagtanda namin, magamit namin ‘yung elevator.”

Zsa Zsa Padilla at Conrad Onglao

Katulad ng bahay ni Sharon Cuneta, ang bahay ni architect Conrad Onglao kung saan sila nagsasama ng Divine Diva na si Zsa Zsa ay may elevator at dumbwaiter din.

Ayon kay Conrad, mas ginagamit nila ang hagdaan kaysa sa elevator.

“Mas practical, and exercise na rin for us,” aniya.

OFFcam shared this video on YouTube:

Loading...