Sopla agad! DBM Sec. Diokno, agad hinarang ang planong dagdag-suweldo ng mga public school teachers

Imahe mula sa Usaid.gov

Agad na kinontra  ng Department of Budget and Management (DBM) ang plano ni Pangulong Rodrigo Duterte na salary increase para sa mga guro sa pampublikong paaralan.

Ayon sa ulat ng GMA, sinabi ni Budget Sec. Benjamin Diokno, na karagdagang 500-bilyong piso ang kakailanganin upang maibigay ang dagdag na sahod sa mga public school teachers.

Unfortunately, that requires a huge amount because there are 600,000 teachers, and I would think that salaries alone of teachers would be about half-a-trillion pesos… Doubling the salaries of teachers would need half-a-trillion pesos,” ayon kay Diokno.

I think that is not our priority at this time. Our priorities are Build, Build, Build and social protection, taking care of the poor,” saad ni Diokno.

Kasalukuyang umaabot umano sa kalahating trilyong piso ang suweldo ng nasa 600,000 na mga public school teachers.

Sinabi rin ng Kalihim na mas doble ng ‘di hamak ang suweldo mga guro sa public school kumpara sa pampribadong paaralan.

Matatandaang inihayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque na hiniling umano ni Pangulong Rodrigo Duterte sa DBM sa pamamagitan ng kanilang Cabinet meeting na hanapan ng paraan kung paano matataasan ang suweldo ng mga guro.

 

Source :

GMA, RMN, KD News

Loading...