Toni Gonzaga, nakatanggap ng sweet birthday greetings mula sa biyenan

Mga larawan mula sa Instagram accounts nina Toni Gonzaga at Marissa Soriano

Masasabing isa sa mga “perfect couple” sa industriya ng showbiz ang mag-asawang sina Ultimate Multimedia Star Toni Gonzaga at Direk Paul Soriano, lalo na’t biniyayaan agad sila ng isang cute na cute na anak na si Seve.

Inulan man ng ilang kontrobersya ang kanilang pagsasama noong 2017 dahil sa umano’y pagkakaugnay ni Direk Paul kay Erich Gonzales na napabulaanan naman lalo na ni Toni, masayang-masaya at “going stronger” pa rin ang mag-asawa.

Kamakailan lamang ay nagdiwang ng kanyang kaarawan si Toni. Bukod sa kanyang mga kaibigan at malalapit na kasamahan sa showbiz, isa sa mga espesyal na mensaheng natanggap niya ay mula sa ina ng kanyang asawa at kanyang biyenang si Marissa Soriano.

Ayon sa mensahe na naka-post sa Instagram account ni Marissa Soriano, si Toni ay regalo ng Diyos sa kanilang buhay na labis nilang pinahahalagahan. Mapalad daw si Toni dahil nasa kanya na ang lahat.

You are truly a gift from God, you are amazing and we appreciate you a lot. Have a Grand Birthday Tin! We love you very much, our Dearest Daughter! What can you buy for the woman who already has everything? You already have good looks, a loving husband, a wonderful son and an awesome Father-in-Law and Mother-in-Law! Happy Birthday!

 

Patunay ito na malapit sa isa’t isa ang mga pamilya ng Gonzaga at Soriano.

Fact-checked against the following source(s) :

Instagram, Instagram, Instagram