Tow truck driver na nanghila ng sasakyan, tumakas matapos madiskubreng walang driver’s license

Imahe kuha sa video ni Rhedel John Leder

Tumakas ang isang tow truck driver na humila sa sasakyan na flat ang gulong matapos madiskubre na wala siyang driver’s license.

Ayon sa ulat ng GMA News, agad na sumakay ng taxi ang nasabing tow truck driver nang hingin ang kanyang lisensiya. Hindi na bumalik ang driver at iniwan na ang tow truck sa kasama.

Sa Facebook post ni Rhedel John Leder, tinawagan umano siya ng kanyang misis dahil hinila ng tow truck ang minamanehong Toyota Innova na na-flat tire.

Kuwento ng misis ni Leder, ipinapatay umano ng rumespondeng tow truck driver ang makina ng Innova at pinabuksan ang hazard light at headlight. Dahil dito ay nadiskarga ang baterya ng sasakyan at ayaw nang mag-start. Ito raw ang ginawang dahilan ng tow truck driver sa paghila sa sasakyan.

Nagkaroon ng pagtatalo si Leder at ang driver ng tow truck at sa isang punto ay hiningi ni Leder ang lisensiya ng driver upang makunan ng litrato, ngunit tumanggi ang driver na ibigay o ipakita ang lisensya. Nang ang isang MMDA personnel na ang humihingi ng lisensiya ng driver ay wala itong maipakita at bigla na lang umalis at sumakay ng taxi.

Narito ang video ng insidente na ibinahagi ni Leder sa Facebook:

Fact-checked against the following source(s) :

GMA Network, Facebook

Loading...