Trump Tower sa New York nasunog; 2 katao sugatan

Image capture from FOx News video report via You Tube

MAYNILA, Pilipinas  –  Isa ang malubhang nasugatan at isa naman ang nagkaroon ng minor injury matapos masunog ang isang bahagi ng Trump Tower sa may East 57th Street at Fifth Avenue sa Manhattan, New York nitong Lunes ng umaga (US time).

Ayon sa ulat ng CNBC, nakatanggap ng tawag ang New York Fire Department bandang alas-7 ng umaga upang i-report ang sunog na nagaganap sa rooftop ng 58-story high rise building na pag-aari ni US President Donald Trump.

Kaagad namang nagpadala ng mga bumbero ang fire department sa gusali para maapula ang apoy na pinaniniwalaang sanhi ng faulty electrical wiring.

Umabot sa 84 na bumbero aang rumesponde sa apoy na umabot ng halos isang oras, at ilan sa mga ito ay nanatili sa rooftop nang ilang oras.

Ang nasabing gusali ay okupado ng ilang negosyo at may mga luxury apartment kabilang na ang tatlong palapag na penthouse sa pinakatuktok nito kung saan naninirahan dati si Pangulong Trump.

Samantala, pinuri naman ng anak ni Trump na si Eric ang mabilis na pagresponde ng FDNY sa sunog.

“The New York Fire Department was here within minutes and did an incredible job. The men and women of the #FDNY are true heroes and deserve our most sincere thanks and praise!” wika ni Eric sa kaniyang Twitter account.

Narito ang video mula sa Fox News Insider via YouTube para sa iba pang detalye:

Loading...