Umano’y ‘drug lord’, itinumba sa Laguna

Image from DF Balita files

MAYNILA, Pilipinas  –  Isang lalaking inaakusahang ‘drug lord’ umano ang natagpuang ***** sa mga tama ng baril sa loob ng isang bakanteng lote sa lungsod ng Biñan, Laguna nitong nakaraang Martes.

Natagpuan ang ******* ng hindi pa nakikilalang biktima bandang alas-6 ng umaga sa isang pribadong lote sa may Barangay Zapote. Nakasabit dito ang isang cardboard na karatula ng may nakasulat na “huwag tularan, druglord ako!”

Isa umanong testigo ang nakadiskubre sa naturang ******* na may mga tama ng bala sa iba’t-ibang parte ng katawan at ipinaalam ito agad sa kinauukulan. Mayroon din umanong nakapansin na mga residente sa lugar sa ilang kalalakihan na tumatakas mula sa nasabing lote bago ang pangyayari.

Ayon kay Supt. Reydante Ariza, hepe ng Biñan police, inaalam pa nila ang pagkakakilanlan ng ******* at kung totoo ngang may kinalaman ang pagpatay sa ilegal na droga sa lugar.

Samantala, isa ring drug personality ang napatay matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang salarin sa San Fernando, La Union nitong Miyerkules ng tanghali.

Kinilala ng mga awtoridad ang biktima na si Norlito Apilado, 45-anyos, isang tricycle driver, residente ng Purok 6, Barangay Sevilla at dati nang sumuko noon sa Oplan Tokhang.

Si Apilado ay pinagbabaril umano ng mga lalaking naka-motorsiklo bandang alas-11 habang namamasada malapit sa sementeryo ng Holy Garden sa Barangay Dalumpinas Oeste.

Inaalam pa ng mga pulis ang motibo sa krimen subalit malaki ang kanilang hinala na may kinalaman ito sa droga lalo pa’t bumalik umano sa paggamit ng bawal na gamot si Apilado kamakailan lamang.

Loading...