[Video] Carlo Aquino sa pagiging single: Tinitingnan kung anong puwedeng mangyari

Imahe mula sa Instagram account ni Carlo Aquino

Ngayong single na muli ang “90’s Crush ng Bayan” na si Carlo Aquino, ineenjoy lang daw nito ang kanyang oras para sa sarili habang abala rin sa sunud-sunod niyang proyekto katulad ng pelikulang Meet Me In St. Gallen at Goyong: Ang Batang Heneral.

Gayunman, hindi maiiwasan ang tanong ng mga fans kung ano na nga ba ang kasunod ng pagtatapos ng relasyon nila ng longtime girlfriend na si Kristine Nieto, na kasama niyang bumuo ng anim na makukulay na taon ng pag-iibigan.

“Kumusta ka na ngayon? Kumusta your heart ngayon? Valentines offering pa naman ninyo ang Meet Me In St. Gallen,” tanong ng entertainment reporter na si Darla Sauler.

“Wala, ayon, gano’n, hindi ako makapagsalita,” natatawang sagot ni Aquino.

“Okay ka naman?” muling tanong ni Sauler.

“Okay naman, tinitingnan lang namin kung anong puwedeng mangyari,” tugon ni Aquino.

Sa ngayon, abala si Aquino sa pagpo-promote ng upcoming film nila ng aktres na si Bela Padilla na Meet Me In St. Gallen, na ipalalabas na sa mga sinehan sa darating na Pebrero.

Narito ang buong panayam ni Sauler kay Aquino:

Loading...