[Video] #ChildhoodCrush: Darren, si Kathryn ang gustong maka-love team

Mga imahe mula sa Instagram accounts nina Kathryn Bernardo at Darren Espanto

Ilang beses nang inalok ang singer na si Darren Espanto na maging isang aktor ngunit masyado raw itong abala. Pero kung siya ay papipiliin ng magiging ka-love team, ang nais daw niyang maging kapareha ay ang kanyang childhood crush na si Kathryn Bernardo.

“She’s been my childhood crush ever since she was in Goin’ Bulilit and Super Inggo,” wika ni Espanto.

Gayunman, wala pang oras sa ngayon ang mang-aawit dahil sa dami ng proyekto nito.

“I have been offered a few acting jobs pero hindi rin kasi kinakaya ng schedule ‘yong mga taping days. Kaya ayon, sayang. I hope to act. I have always been fascinated by actors. They can just portray a role that’s so far from who they are in real life,” ani Espanto.

[Ilang beses na akong inalok ng mga acting jobs pero hindi rin kasi kinakaya ng schedule ‘yong taping days. Kaya ayon, sayang. Pero gusto kong umarte. Noon pa man ay humahanga na ako sa mga aktor. Kaya nilang bigyang-buhay ang isang karakter kahit na malayo ang ugali nito sa kung sino sila sa tunay na buhay.]

Samantala, pangarap din ng mang-aawit ang makapagtapos ng pag-aaral.

Narito ang panayam kay Espanto:

Loading...