[Video] Paolo sa anak ni LJ: Minahal ko si Aki kasi sobrang lovable, sobrang sweet, ‘di ko kailangan pilitin

Mga imahe mula sa Instagram account ni Paolo Contis

Alam ng lahat kung gaano kalapit ang aktor na si Paolo Contis sa anak ng kasintahan niyang si LJ Reyes. Ngunit paano nga ba siya napalapit kay Ethan Akio (Aki)?

Sa Tonight With Arnold Clavio, ikinuwento ni Contis sa host na si Arnold Clavio kung bakit napamahal kaagad sa kanya ang anak ni Reyes at ng dati nitong nobyong si Paulo Avelino. Aniya, hindi mahirap mahalin si Aki.

“Si Aki minahal ko ‘yun kasi lovable talaga si Aki. Sobrang sweet na bata si Aki so hindi ko kailangan (pilitin). Never kong pinilit ‘yung sarili ko kay Aki,” ani Contis, na nasa tabi noon ni Reyes.

Hanga rin daw ang aktor sa closeness ng mag-ina.

“Si Aki at si LJ sobrang sarap nilang tignan. Hindi ako sanay sa ganun, e. Matigas ako, e,” kuwento niya.

“Hindi ako gano’n e. Noong bata ako, kami ni Mama, love-hate kami ni Mama. Matigas kaming dalawa, e. ‘Pag nakikita ko sila naninibago (ako). Actually hanggang ngayon, hindi ako sanay sa sweetness nilang dalawa,” dagdag niya.

Narito ang buong panayam ni Clavio kina Contis at Reyes:

Fact-checked against the following source(s) :

YouTube, Instagram, IG

Loading...