[Video] Pre-wedding short film, ibinase sa anime na Kimi No Na Wa

Imahe mula sa video ng Pixelfish Concept PH sa Facebook

Viral ngayon sa social media ang isang pre-wedding short film na ibinase sa popular na anime na Kimi No Na Wa.

Sa Facebook page nito, ibinahagi ng Pixelfish Concept PH ang prenup video ng magkasintahang sina Alloy at Shiela.

“Isang milenyong bulalakaw ang paparating sa Pilipinas. Dalawang buhay ang nag-krus. Ngunit ang mga landas nila ay hindi nagtatagpo. Isang himala ang magaganap,” sabi ng caption ng video.

Isinalin sa wikang Filipino ang mga linya sa pelikula kaya naging mas nakaaantig pa ito.

As of posting, nakakuha na ang nasabing video ng mahigit 38,000 shares at higit 64,000 reactions. Malapit na rin sa isa’t kalahating milyon ang views nito.

Narito ang trailer ng Kimi No Na Wa:

Heto naman ang video ng pre-wedding short film na humugot ng inspirasyon sa nasabing anime:

Source :

Facebook

Loading...