[Videos] Balikan ng CarGel, posible ba? ‘Carlo’ at Angelica, nagkita sa show ni Vice Ganda

Mga imahe mula sa Instagram accounts ni Carlo Aquino at ni @zhaipot_cargel

Matapos mapabalitang single na ulit pareho ang dating magka-love team at ex-lovers na sina Carlo Aquino at Angelica Panganiban, waring nabuhayan ng loob ang mga fan na umaasang magkakatuluyan sila sa tunay na buhay.

Sa Gandang Gabi Vice (GGV), itinanong ng host nito na si Vice Ganda kay Angelica ang tungkol sa posibilidad na magkabalikan sila, lalo na at si Carlo lamang ang dati niyang kasintahan na nananatili pa ring kaibigan niya.

Sa nasabing episode, ipinaliwanag ni Angelica ang sinabi niya na hindi niya nais makipag-date muli sa isang ex.

“Hindi ko lang nakikita iyong sarili ko kasi grabe akong magbigay ng chance, e. Hanggang kaya ko, sige, game. ‘Isa pa, oh.’ ‘Okay, sige, tara, game ulit tayo.’ Pero kapag natapos na talaga ako, tapos na,” aniya.

Samantala, tinanong ni Vice si Angelica kung ano ang naramdaman niya pagkatapos mapanood ang sinabi ni Carlo noon, sa GGV rin mismo, na kung mas matanda lang sila noon ay maaaring silang dalawa na ang nagkatuluyan.

“Matalik kong kaibigan iyan. Iyong maganda kasi sa ‘min, naging magkaibigan kami after. Kasi nagsimula siguro siya sa friendship. Naging magkaibigan kami nang mahabang-mahabang panahon, sabay kami lumaki, e. Kaya siguro kahit naghiwalay kami e walang galit sa ‘min. Maayos iyong hiwalayan,” wika niya.

Nang tanungin siya ni Vice kung paano kapag niyaya siyang lumabas ni Carlo ngayong single na rin ito, ikinuwento ni Angelica na niyayaya naman daw talaga siya ng aktor.

“Dalawa lang kayo?” tanong ni Vice.

“Oo! Bakit naman hindi?” natatawang tugon ng aktres.

Samantala, sa nasabing episode din ay binisita ng Internet sensation na si Carlo Mendoza si Angelica:

Loading...