What’s wrong? Kuyang negosyante nag-viral dahil sa kakaibang estilo sa pagbebenta ng rubber shoes sa bangketa

Imahe mula sa Facebook account ng Batang Pinoy - Ngayon at Noon

Ang hirap talaga kumita. Minsan gagawin mo ang lahat, kakayod ka nang husto upang may maipantustos ka sa mga pangangailangan mo sa araw-araw.

Nag-viral ngayon sa social media ang isang lalaking nagbebenta ng sapatos sa bangketa lamang.

Sa Facebook post ng Batang Pinoy – Ngayon at Noon, mapanonood ang video ng isang negosyanteng nagbebenta ng sapatos sa kakaibang paraan.

Naging katatawan ang istilo na ito ng lalaki sa pagbebenta dahil sa paggawa ng iba’t ibang gimik maibenta lamang ang mga rubber shoes.

Nagbigay ito ng ilang mga promo tulad ng sando, buy 1 take 1 at iba pa maengganyo lamang ang mga nakikinig sa kanya.

Kaaliw-aliw si kuya sa kaniyang paraang pasigaw ngunit may halong  biro na nasa tonong Bisaya.

Marami ring testimonya si kuyang negosyante upang mahikayat pa niya ang mga nakikinig.

Gumamit rin ito ng bible verse para maiugnay ang ibinebenta niyang sapatos.

Ang masakit para kay kuyang negosyante ay tila umuwi ito nang luhaan dahil natapos ang video na walang bumili ng sapatos.

Source :

Facebook

Loading...