“Yabba dabba doo!” Fred Flintstone’s car natanggap na regalo ng isang Sultan sa Malaysia

Imahe mula sa Facebook account ni Sultan Iskandar

Nakatanggap ng isang life-size replica ng sasakyan ni Fred Flintstone mula sa classic cartoon ang Sultan ng Malaysia na si  Sultan Iskandar ng Johor noong kanyang kaarawan.

Ayon sa ulat ng Inquirer, si Iskandar ay isa sa pinakamakapangyarihan at pinakamayamang state rulers sa Malaysia. Ang Fred Flintstone’s car ay natanggap umano ng Sultan mula sa mga kapwa niya high-ranking royal.

Ang “The Flintstones” ay paboritong cartoon ni Iskandar. Halos kapareho ito ng cartoon car, ‘yun nga lang may makina ang natanggap ng Sultan.

“Yabba, dabba, doo,” ayon sa Facebook post ni Iskindar.

Sa Hanna-Barbera animated series ay nagbida sina Fred at Wilma Flintstone at ang kanilang kapitbahay, ang mga  Rubbles, sa Stone Age. Ang sasakyang de-kahoy ni Flintstone ay pinatatakbo nang walang makina.

Ang regalong sasakyan ay para  sa kaarawan ni Iskindar noong Nobyembre.

Ito rin ay karagdagan sa mga koleksiyong sasakyan ng  Sultan kabilang ang Royals Royces at vintage three-wheelers.

Fact-checked against the following source(s) :

Facebook, Inquirer

Loading...