2 sasakyan nagkabanggaan dahil sa pag-iwas sa binatilyong nag-skate board sa Edsa

Images from Robert Chua's Facebook post

MAYNILA, Pilipinas – Sinisisi ngayon ng isang netizen ang isang binatilyo na naging sanhi ng aksidente ng dalawang sasakyan sa EDSA nitong nakaraang Linggo lamang.

Kuwento ni Robert Chua sa kanyang Facebook post, nangyari ang insidente dakong alas-3:30 ng hapon sa may bandang Quezon Ave. lagpas ng Mother Ignacia, southbound.

Isa umanong binatilyo ang naglalaro ng skateboard at sa 2nd lane pa ng EDSA ito ginagawa. Dahil dito, dalawang sasakyan ang nagkabanggaan para lamang iwasan ang nasabing binatilyo.

“Ok lang mag-skateboard sa sidewalk pero ‘wag naman sa 2nd lane ng Edsa. Nagkarambola ang 2 sasakyan maiwasan ka lang masagasaan,” wika ng netizen.

Nagbahagi rin ng larawan ang netizen kung saan kinokompronta ng mga naabalang motorista ang binatilyo.

Hindi naman nabanggit sa post kung ano ang kinahinatnan ng pangyayari at kung binigyan ng leksiyon ang teenager para magtanda ito.

Ganunpaman, nawa’y magsilbi itong babala sa mga kabataan na walang pakialam sa magiging resulta ng kanilang gawain kahit pa alam nilang naglalagay ito sa panganib ng buhay ng ibang tao.

#HindiplaygroundangEDSA, wika pa ng netizen sa kanyang post na nagviral na sa Facebook at umani ng komento.

Source :

Facebook

Loading...