Anthony Taberna, binatikos ng mga netizens dahil sa komento nito sa babae na biktima ng gang **** makaraang makipag-eyeball

Public Domain

Binatikos si Umagang Kay Ganda host Anthony Taberna sa naging komento nito sa isang 19-anyos na babae makaraang mabiktima ng gang **** dahil sa pakikipag-eyeball nito sa ka-chat.

Sa February 19 episode ng UKG na ibinahagi ni Juan Manuel Severo sa kanyang Twitter post, tila nasisi ni Taberna sa kanyang komento ang biktimang babae dahil sa pakikipag-eyeball at pakikipag-inuman pa nito.

Ipinagtanggol naman ng co-host na si Jeff Canoy ang biktima; na ang dapat sisihin sa sitwasyon ay ang lalake.

“Dapat  ang paalala sa inyo is huwag mang-****. ‘di ba? Kapag sinabi ng babae na huwag, e ‘di wag,” ani Canoy.

Tugon naman ni Taberna: “Hindi, sa totoo lang pagka…  madali sabihin ‘yong sa lalaki. Pero pag ipinain na, pasensiya na doon sa biktima ‘yon dapat mabigyan ng katarungan –pero ito, para sa future na pangyayari. Kapag ikaw ay babae, huwag kang papasok sa lungga ng mga tulisan.”

Naging usap-usapan sa social media ang komentong ito ni Taberna. May ilang mga netizens din ang humihingi ng pagbibitiw nito bilang host.

Samantala naglabas naman ng pahayag ang UKG sa kanilang Twitter account hinggil sa naging pahayag na ito ni Taberna.

 

 

Source :

Twitter, Twitter, Spot, PEP

Loading...