Anthony Taberna humingi ng tawad tungkol sa kontrobersyal na **** comment

Image by Anthony Taberna via Facebook page
  • Humingi ng paumanhin si Anthony Taberna sa kanyang komento tungkol sa ****
  • Hindi umano niya intensyon na sisihin ang biktima at makasakit ng ibang tao
  • Magiging mas maingat na umano siya sa kanyang mga pahayag sa susunod

Humingi na ng paumanhin si Anthony Taberna tungkol sa kanyang kontrobersyal na **** comment. Umani ng iba’t ibang reaksyon mula sa mga netizen ang komento ni Taberna tungkol sa balitang na gang **** ang isang dalagang nakipag-eyeball at nakipag-inuman sa mga bagong kakilala.

Si Taberna ay pinuna ng mga netizens sa kanyang “victim-blaming.”

Sa unang komentaryo nila ni Jeff Canoy, matatandaang sinabi ni Jeff na, “Pero dapat ‘yung blame talaga, e doon sa mga lalaki. Dapat ang paalala sa kanila is huwag kayong mang-****, ‘di ba?”

Hindi sumang-ayon si Taberna at sinabing, “Hindi, sa totoo lang, pagka… Madali sabihin ‘yung sa lalaki. Kapag ikaw ay babae, huwag kang papasok sa lungga ng mga tulisan.”

Humingi na ng paumanhin si Ka Tunying sa kanyang naunang komento at sinabing dala lamang ito ng kanyang pagiging ama. Aniya sa show nilang Umagang kay Ganda, “Bilang isang ama po, lalo po’t parehong babae ang aking mga anak, e, batid ko na masama ang ating mundo at nandiyan lang po ang mga kriminal at mga utak-kriminal. Naghihintay lang po ng kanilang mabibiktima.”

Hindi umano niya intensyon na sisihin ang biktima at makasakit ng ibang tao. Sa huli ay sinabi niya, “Humihingi po ako ng paumanhin sa mga nasaktan sa aking komento at mas magiging maingat po ako sa susunod na pagkakataon.”

Source :

Pep, Pep

Loading...