Babae na umatake ng mga MMDA enforcer, ‘gutom kaya nag-beast mode’

Image capture from Gadget Addict video via Facebook

Nagpaliwanag na ang babaeng umatake sa mga traffic enforcer makaraan ito’y matiketan dahil sa hindi nito pagsusuot ng helmet bilang backrider.

Ayon sa ulat ng ABS CBN, tumangging magpaunlak ang babae sa isang panayam ngunit sa mensaheng ipinadala nito, aniya’y gutom na gutom na siya na naging dahilan sa pag-init ng kanyang ulo. Humingi naman ng pasensiya ang babae sa kanyang naging asal.

Pinag-aaralan na umano ng MMDA legal department ang ikakaso sa magkasintahan.

Matatandaang unang nahuli ang dalawang violator sa Road 3 sa Quezon City dahil sa diumano’y hindi pagsusuot ng helmet ng babae nitong Pebrero 10 ng umaga.

Ngunit muli umanong nasita ang dalawa sa Barangay Pag-asa, Quezon City  sa parehong violation. Dito na sila nagtalo at makikitang inatake ng galit na galit na babae ang enforcer.

Paliwanag ng babae kaya hindi niya suot ang helmet ay dahil nakalagay doon ang ulam na mechado at sinigang na kanilang binili.

Panoorin ang ulat na ito ng ABS CBN para sa iba pang detalye:

Loading...