Dalawang babae ***** sa riding-in-tandem sa Laguna

Image from DF Balita

MAYNILA, Pilipinas – ***** ang dalawang babae matapos silang pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Los Baños City, Laguna nitong Huwebes ng hapon, ika-22 ng Pebrero.

Kinilala sa ulat ng Inquirer ang mga biktima na sina Wilma Aguinaldo, 60 anyos, at Crispina Mendoza, 55 anyos. Si Aguinaldo ay residente ng Calamba City habang si Mendoza naman ay taga-Los Baños at isang bookkeeper.

Ang dalawa umano ay parehong nagtatrabaho sa isang retiradong professor ng University of the Philippines (UP) sa Los Baños.

Sina Aguinaldo at Mendoza ay sakay ng isang sasakyan nang tinambangan ang mga ito at pinagbabaril ng mga hindi pa nakikilalang salarin pasado alas-5 ng hapon sa may Barangay Lalakay ng nasabing siyudad.

Ayon kay Los Baños police chief Supt. Alex delos Santos, tumakas ang mga salarin subalit naiwan sa pinangyarihan ng krimen ang motorsiklo na kanilang ginamit.

Blangko pa rin ang mga imbestigador sa motibo sa krimen subalit tinitingnan na umano nila ang posibilidad na mayroon itong kinalaman sa kanilang trabaho.

Lagi umanong nakikitang magkasama ang dalawang babae bago ang pangyayari kaya malaki ang posibilidad na kapwa sila target ng mga gunmen.

Loading...