Daniel at Kathryn, ipaglalaban ang relasyon hangga’t may pag-ibig sa isa’t isa

Mga imahe mula sa Instagram account ni @bernardokath

Ipaglalaban daw ng young actors na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo ang kanilang relasyon hanggang may pag-ibig pa sila sa isa’t isa.

Ayon sa Abante, sa isang panayam ay tiniyak ni Padilla na ipaglalaban nila ang kanilang pagmamahalan.

“Eh siyempre, hangga’t nagmamahalan kami, doon mo ipaglalaban. Ano pa ipaglalaban mo kung wala na? Hangga’t meron, ipaglaban, hangga’t may pag-ibig, ipaglaban,” aniya.

Here we go again with that signature sungit face 🤖 Shot by the AMAZING @dominicroque

A post shared by Kathryn Bernardo 🐘 (@bernardokath) on

Sa kasalukuyan, marami ang natutuwa sa totoo at malinis na pagmamahalan nina Daniel at Kathryn. Nagiging role model din sila sa ibang kabataan.

“’Yong ibang kabataan ngayon, kami ang nagiging role model din kasi. And kami naman, pinalaki kami nang maayos at tama, so, wala kaming pagpapanggap na ginagawa. Produkto lang kami ng mga magulang namin and kami rin po, alam namin ang dapat naming ipakita,” wika ni Daniel.

Sabi naman ni Kathryn, hindi man daw nila maipapangako na magiging perpekto silang imahe ay maipapangako naman daw nilang magiging totoo sila sa mga tao.

“Nagpapasalamat kami lalo sa mga bata na tumitingala sa amin, naging inspiration nila kami, parang ‘yon ‘yong malaking bagay sa amin na parang okay, ginagawa natin nang maayos ang trabaho namin and nagkakaroon kami ng purpose because of that,” dagdag pa niya.

La Luna Sangre lessons

May mga natutunan daw si Kathryn mula sa karakter nila ni Daniel Padilla sa La Luna Sangre na Malia at Tristan na maia-apply sa totoong buhay; isa na rito ay ang kapangyarihan ng pagmamahal.

“Ang pagmamahal, ‘yan pa rin ang pinakamakapangyarihan sa lahat. Kasi, ang daming pinagdaanan na alam natin ni Malia, ni Tristan, and then, at the end of the day, kahit gaano kasama ang isang tao, p’wede mo ‘yong mabago dahil sa pagmamahal,” saad ni Kathryn.

Sa tunay na buhay ay ganoon din naman umano ang isang relasyon; nagkakaroon din ng problema.

“May mga challenges na darating, hindi lahat ng panahon, makikisama sa amin, pero ang importante, hawak-kamay namin ‘yun na haharapin,” wika ng aktres.

Narito ang recap sa week 35 ng La Luna Sangre:

Loading...