Dating ABS-CBN reporter, nagpost ng sexy photos sa social media

Mga larawan mula sa Instagram account ni Ryan Chua

Nag-post ng mga sexy at mapangahas na photo sa kanyang Instagram account ang dating ABS-CBN field reporter na si Ryan Chua na naging viral sa social media.

And my Spring Festival holiday begins!

A post shared by ryan_chua (@ryan_chua) on

Si Ryan Edward Chua ay naging Kapamilya noong 2008 bilang news writer at production assistant para sa ABS-CBN News Channel o ANC, at nakilala bilang field reporter sa ABS-CBN News and Current Affairs lalo na sa longest-running newscast sa bansa na TV Patrol.

Siya rin ang humawak sa mga balita ukol sa bagyong Ondoy noong 2009, impeachment trial ng dating Punong Mahistrado ng Korte Suprema na si Renato Corona noong 2012, at pro-democracy protest sa Hongkong noong 2014.

Naging “out and proud” din si Chua sa kanyang gender preference dahil bantad ang kanyang pakikipagrelasyon sa model/singer na si Sebastian Castro, subalit sila ay naghiwalay noong 2017.

Nagbitiw sa kanyang tungkulin si Chua sa ABS-CBN matapos ang pitong taong paglilingkod sa News and Current Affairs nito, upang pasukin ang pintong nagbukas sa kanya mula sa international news channel sa Beijing, China.

Naglalaan ng oras si Chua sa pagpapaganda ng kanyang katawan bilang bahagi na rin ng kanyang trabaho, kaya naman komportable itong mag-post ng kanyang mga sexy at topless photos na talaga namang inaabangan ng kanyang mga follower.

A post shared by ryan_chua (@ryan_chua) on

Post-workout selfie

A post shared by ryan_chua (@ryan_chua) on

Naging usap-usapan sa social media ang kanyang mga sexy photos sa kanyang pagbabakasyon sa Coron, Palawan nitong Pebrero 15, 2018.

Stomach in! Don’t breathe!

A post shared by ryan_chua (@ryan_chua) on

Looking forward to a brighter tomorrow. Charot.

A post shared by ryan_chua (@ryan_chua) on

Censored! 🤣

A post shared by ryan_chua (@ryan_chua) on

Loading...